-- Advertisements --

Lumabas sa resulta ng pagsusuri ng independent panel ng medical experts na itinalaga ng International Criminal Court (ICC) na sumuri kay dating pangulong Rodrigo Duterte na ito ay malakas para sa makadalo sa pagdinig ng kaso nito.

Base sa korte na ang mayroong malakas na pangangatawan ang dating pangulo para sa confirmation of charges hearing.

Bagamat magkaiba ang kanilang interpretasyon sa pagsusuri ay kapwa kinumpirma ng ICC prosecutor at abogado ng dating pangulo na ang panel ay nakitang may kakayanan ito na dumalo sa pre-trial proceedings.

Sa siyam na pahinang obserbasyon ni ICC deputy prosecutor Mame Mandiaye Niang ay hinihikayat nito ang ICC Pre-Trial Chamber I na isama na mayroong kapasidad ang dating pangulo na ipatupad ang pagdinig sa kaso ng patas.

Dagdag pa sa obserbasyon ni Niang, na matapos na makumpleto ang assessments ay nakita nakita na kahit mahina at matanda na ang dating pangulo ay may kapasidad ito na ipatupad ang pagkakaroon ng nasa proseso at patas na pagdinig.

Nanawagan ito ng pagpapatuloy na ng proseso ng confirmation of charges laban sa dating pangulo.

Subalit nananatili pa rin ang abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman na kahit na may kakayahan ang dating pangulo sa paglalarawan sa kaniyang long-term memory ay nadamay na ang kaniyang maikling memorya na hindi na mapanatili pa ang mga impormasyon ng maikling panahon.

Humiling din si Kaufman ng evidentiary hearing para mapayagan ang dalawang partido na iklaro ang conclusions ng experts.