-- Advertisements --

Nananatili ang lakas ng bagyong Tino habang patuloy itong nagbabanta sa hilagang bahagi ng Palawan.

Ayon sa pinakahuling ulat, tinatayang nasa katubigan ito ng Linapacan, Palawan.

May taglay itong pinakamalakas na hangin na umaabot sa 120 km/h malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na umaabot sa 165 km/h.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.

Ang sirkulasyon ng hangin mula sa bagyo ay umaabot hanggang 300 km.

Signal No. 4
Hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang Calamian Islands

Signal No. 3
Hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang Cuyo Islands

Signal No. 2
Katimugang bahagi ng Occidental Mindoro
Katimugang bahagi ng Oriental Mindoro
Gitnang bahagi ng Palawan kabilang ang Cagayancillo Islands

Signal No. 1
Natitirang bahagi ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Islands
Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro
Kanlurang bahagi ng Romblon
Katimugang bahagi ng Palawan kabilang ang Kalayaan Islands
Mga bahagi ng Visayas: Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Guimaras