-- Advertisements --

Ipinahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na plano ng mayorya sa Senado na italaga si Senadora Loren Legarda bilang Senate President bago matapos ang kanyang termino sa 2028, na magiging kauna-unahang babae na mamumuno sa mataas na kapulungan ng Kongreso.

Binigyang-diin ni Sotto na ang hakbang na ito ay hindi isang anyo ng “term-sharing,” kundi isang maingat na plano upang makamtan ni Legarda ang makasaysayang posisyon sa Senado.

Ang dating biro ukol sa posibleng pag-angat ng Senadora ay naging seryosong usapin, na inaasahang maisasakatuparan kapag naipasa na ang pambansang budget para sa 2027.

Dagdag pa ni Sotto, ilang senador, kabilang ang ilan mula sa minority, ang suportado rin ang planong pag-akyat ni Legarda bilang pinuno ng Senado, na ikinagalak naman ng Senadora.