-- Advertisements --

Narekober na ng search and rescue team ang bangkay ng anim na katao na lulan ng bumagsak na helicopter ng Philippine Air Force (PAF).

Ayon sa Armed Forces of the Philippines’ Eastern Mindanao Command, na positibo na ang mga ito ay piloto at crew ng bumagsak na Super Huey helicopter.

Pansamantalang hindi muna nila inilabas ang kanilang pagkakakilanlan habang ipinapapaalam ito sa kanilang mga kaanak.

Kinordonan at bantay sarado ng mga sundalo ang lugar kung saan bumagsak ang helicopter.

Handang makikpagtulungan ang PAF sa gagawing imbestigasyon ukol sa pagbagsak ng nasabing helicopter.

Magugunitang nagsasagawa ng humanitarian operations para sa komunidad na apektado ng Bagyong Tino ang helicopter ng ito ay bumagsak sa bisinidad na sakop ng Loreto, Agusan del Sur nitong hapon ng Nobyembre 4.