-- Advertisements --

Nahandang magbigay ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng standard na batayan sa libing para sa mga mahihirap batay ‘yan sa ilalim ng Free Funeral Services Act o Republic Act No. 12309.

Ayon kay Director Edwin Morata ng DSWD Crisis Intervention Program, itatakda ng ahensya ang standard na halaga ng burial assistance matapos maaprubahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas.

Ipinaliwanag din ni Morata na layunin ng batas na mabigyan ng disenteng libing ang mga pamilyang walang sapat na pera.

Saklaw pa ng libreng serbisyo ang funeral parlors, chapel services, transportasyon, cremation, at burial.

Para naman sa mga nais mag-avail ng tulong, kailangang lang po magsumite ng valid ID, death certificate, funeral contract, at social case study report mula sa inyong mga social worker.

Dagdag pa ng opisyal na maaaring makuha ng pamilya ang tulong sa mismong araw ng aplikasyon kung kumpleto ang inyong mga dokumento.