Ipinangako ni DSWD Secretary Rex Gatchalian nitong Lunes na magiging mahigpit ang ahensya sa pagpapatupad ng mga patakaran laban sa politiko na nakikialam sa pamamahagi ng tulong ng gobyerno.
Aniya sa isang press briefing, kumpiyansa siya sa propesyonalismo ng mga social worker ng DSWD, ngunit hindi niya papayagang pumunta ang mga ito sa mga distribution site kung naroroon ang mga politiko. May kapangyarihan rin ang ahensya na ihinto ang pamamahagi ng ayuda kung biglang lalabas ang mga politiko sa operasyon.
Kasabay nito, kasama sa Republic Act No. 12314 o General Appropriations Act (GAA) ng 2026 ang isang “anti-epal” special provision na nagbabawal sa mga politiko na gamitin ang gobyerno at pondo nito para sa sariling promosyong pampulitika, upang matiyak na ang ayuda ay makarating sa tamang benepisyaryo. (report by Bombo Jai)
















