-- Advertisements --

Nagbabala si Social Welfare Secretary Rex Gatchalian sa mga politiko na gumagamit ng mga programa ng DSWD para sa kanilang ‘epal’ na practices na pamomolitika na pwede silang palabasin sa mga payout sites o ipasunpinde ang kanilang aktibidad.

Binigyang-diin ni Gatchalian ang mas mahigpit na pagpapatupad laban sa mga opisyal na nagtatangkang politikahin ang pamamahagi ng ayuda ng gobyerno.

Dagdag pa ng opisyal na kung susubukan ng mga politiko na sumingit sa mga distribution event, puwedeng ihinto ng DSWD ang pamimigay ng ayuda upang hindi malagay sa alanganin ang mga kawani ng ahensya at mga benepisyaryo nito.

Dagdag pa ni Gatchalian na tututulungan pa rin ng mga social worker ang mga benepisyaryo kahit walang referral mula sa mga politiko.