-- Advertisements --

Naghain si acting chairperson of Senate Blue Ribbon Committee Erwin Tulfo ng Senate Bill No. 1409 na naglalayong alisin ang kasalukuyang travel tax na ipinapataw sa mga biyahero, dahil ayon sa kanya, ito ay humahadlang sa karapatan ng mga Pilipino na makapaglakbay.

Ayon kay Tulfo, layunin ng panukala na maging mas abot-kaya at accessible ang paglalakbay para sa mga Filipino, at alinsunod din ito sa ASEAN Tourism Agreement na nilagdaan ng Pilipinas noong 2002.

Sa kasalukuyan, ang koleksyon mula sa travel tax ay nakalaan sa iba’t ibang ahensya tulad na lamang sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority na may 50%, 40% naman sa Commission on Higher Education (CHED), at 10% sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Batay sa kasalukuyang travel tax rates umaabot sa P1,620 hanggang P2,700 ang economy hanggang sa first-class, P810 hanggang P1,350 naman para sa standard reduced, at P300 hanggang P400 para sa mga dependents ng overseas Filipino workers (OFWs).