-- Advertisements --

Pag-aaralan pang Malacanang ang panukala ni Senator Erwin Tulfo na magkaroon ng isang buwan na tax holiday.

Ayon kay Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA) Frederick Go, na mahalaga na pag-aralang mabuti ng Department of Finance at Dept. of Budget and Management (DBM).

Una rito ay naghain si Tulfo ng Senate Bill 1446 o kilala bilang “One-Month Tax Holiday of 2025” na magdudulot ng kaginhawaan sa mga manggagawa.

Isinagawa ang panukalang batas dahil sa paglutang ng anomalya sa mga infrastructure projects.