-- Advertisements --

Inihain ni Senador Erwin Tulfo ang Senate Bill 1561 na naglalayong ideklara ang Sierra Madre bilang Strict Protection Zone upang mapigilan ang deforestation, pagmimina, at iba pang mapanirang gawain sa kabunduakan.

Ayon sa panukala, tanging mga scientific research, subsistence use, at mga Indigenous People lamang ang maaaring pumasok sa kabundukan.

Binatikos din ng Senador ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa umano’y kakulangan ng proteksyon sa kabundukan, habang ipinaliwanag ni Senador Loren Legarda na mayroong P1.357 billion na pondo ang DENR para sa forest protection.

Mababatid na ang Sierra Madre, ay sumasaklaw sa 1.4 milyong ektarya sa 10 probinsya sa Luzon na una nang nagsasabing proteksyon laban sa mga mapinsalang mga bagyo, climate stability, at biodiversity conservation, na tahanan ng libu-libong species ng halaman na higit sa kalahati ay endemic o dito lang sa Pilipinas matatagpuan.

Top