-- Advertisements --

Kabilang ang nasa limang personnel ng Bureau of Corrections (BuCor) sa mahigit 5,000 nakapasa sa 2025 online Bar examination.

Kabilang sa personnel ng bureau na bagong abogado sina Charles Agraba, at correction officers Nino De Vera, Robin Garcia, Cherry Manago at Xerces Sebido.

Kaugnay nito, binigyang pugay ni BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ang mga bagong abogado para sa kanilang katatagan sa kani-kanilang journey at looking forward sa mga posibleng impact ng kanilang mga kontribusyon sa mga darating na mga taon.

Ang kanilang kwento aniya ang patunay sa kahalagahan ng pagsusumikap at commitment na nagsisilbing inspirasyon hindi lamang sa kanilang mga kasamahan sa BuCor kundi maging sa mga nangangarap na maging abogado sa bansa.

Sinabi din ng BuCor chief na ang legal expertise na natamo ng mga bagong lawyer ay makakatulong ng malaki sa pagpapahusay pa ng misyon ng kawanihan.