-- Advertisements --

Inilabas na ng Korte Suprema ang mga schedule para sa Bar Examination sa susunod na taon.

Sa inilabas na Bar Bulletin Number 1, na
gaganapin ang pagsusulit sa Setyembre 6, 9 at 13 na mayroong anim na core subjects.

Sa umaga ng Setyembre 6 ay tatalakayin ang Political and Public International Law (15%) habang sa hapon naman ay Commercial Law and Taxation (20%).

Sa ikalawang araw naman ay patungkol sa Civil Law at Land Titles and Deeds (20%) sa umaga at Labor and Social Legislation (10%) naman sa hapon.

Sa huling araw naman ay tatalakayin ang Criminal Law sa umaga (10%) at sa hapon naman ay Remedial Law, Legal and Judicial Ethics na may Practical Exercises.

Itinalaga naman bilang Bar Examination Chairperson si Associate Justice Samuel Gaerlan.