Tinanggap ni Retired Supreme Court Associate Antonio Carpio ang alok ng Philippine Bar Association na mag-host ng pampublikong debate laban kay Senador Rodante Marcoleta, upang itama ang umano’y maling pahayag nito tungkol sa West Philippine Sea.
Ayon kay Carpio, mahalagang maitama ang pahayag ni Marcoleta upang hindi maligaw ang publiko.
Ipinahayag niya na saklaw ng debate ang mga isyung binanggit ni Marcoleta, kabilang ang legalidad ng West Philippine Sea, at layunin nitong turuan ang publiko.
Tinalakay rin ni Carpio ang banta ni Marcoleta na kasuhan siya ng treason. Ipinaliwanag niya na ayon sa batas, nagaganap lamang ang trason sa panahon ng digmaan at hindi sa panahon ng kapayapaan, at bago ito mangyari, kailangan munang amyendahan ang Revised Penal Code at ang Konstitusyon.
Ani Carpio, kailangan ding sundin ng bansa ang international law, kabilang ang UNCLOS, na nagtatakda ng territorial sea hanggang 12 nautical miles lamang. (report by Bombo Jai)
















