-- Advertisements --

Isa sa tinitignan bilang kulungan sa mga indibidwal na maaaring ma-convict sa flood control anomaly ang Sablayan penal facility sa Mindoro, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sa idinaos na National Jail Decongestion Summit, tinukoy ni BuCor Chief Gregorio Catapang Jr. ang naturang pasilidad kung saan ilalagay ang mga serious-heinous crime offenders.

Nakatakda aniyang matapos ang pasilidad sa unang kwarter at kung sakali ay maglalagay ng pasilidad para sa mga sangkot sa flood control anomaly.

Samantala, nakatakdang isara na ang New Bilibid Prison sa Muntinlupa dahil gagmitin na ito sa ibang purpose.

Ibinahagi rin ng BuCor chief ang malaking improvement sa kondisyon sa Bilibid, kung saan bumaba ang congestion rate mula sa 300% sa halos 200%. Nagpapakita aniya ito ng pagbaba ng tinatayang 100% sa kabuuang congestion level ng piitan.