-- Advertisements --

Inaasahan ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa 3 weather systems ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA). 

Batay sa weather forecast ng state weather bureau, magpapatuloy ang maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan na posibleng may kasamang pagkulob at kidlat sa Visayas, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Masbate at Romblon dahil sa shear line. 

Habang inaasahan din ang parehong maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkidlat sa Caraga, Palawan, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental, at Zamboanga del Norte dahil naman sa easterlies. 

Samantala, ang Cagayan, Isabela, Quezon, Laguna, Batangas, Marinduque, Oriental Mindoro at Camarines Norte ay makakaranas din ng maulap na kalangitan at pag-ulan dulot ng Northeast Monsoon o Amihan. 

Nagbigay naman ng babala ang PAGASA na maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng mga lupa ang mga ganitong sama ng panahon. Kung kaya’t pinapaalalahanan ng state weather bureau ang publiko na mag doble ingat para makaiwas sa anumang mga posibleng panganib.