-- Advertisements --

Dumepensa si Philippine National Volleyball Federation (PNVF) President Ramon “Tats” Suzara ukol sa pagbalandara ng logo ng gambling sites sa mga laro sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championships.

Sinabi nito na ang paglabas ng logo ay makikita lamang sa Volleyball World’s feed at hindi sa mga lokal na telebisyon at sa playing court mismo.

Ito ang naging kasagutan ni Suzara sa naging puna ni enate Games and Amusement Committee Chairperson Sen. Erwin Tulfo kung saan ipinapaimbestiga niya ito sa kapulisan at sa National Bureau of Investigation (NBI).

Dagdag pa ni Suzara na bago pa man magsimula ang torneo ay binalaan na sila ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bawal ang paggamit ng mga logo.