Patuloy ang paggalaw ng bagyong Tino sa direksyong hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h, taglay ang lakas ng hangin na 130 km/h at bugso na umaabot sa 180 km/h.
Ayon sa pinakahuling ulat, ang mata ng bagyo ay nasa paligid ng Patnongon, Antique at inaasahang lalabas patungong Sulu Sea.
Dahil dito, nananatiling nakataas ang Signal No. 4 sa Calamian at Cuyo Islands sa Luzon, gayundin sa gitna at timog bahagi ng Antique, Iloilo, at Guimaras sa Visayas.
Inaasahan ang matinding pinsala sa mga lugar na ito dulot ng typhoon-force winds.
Samantala, Signal No. 3 ang nakataas sa hilagang bahagi ng mainland Palawan at sa natitirang bahagi ng Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, at ilang bahagi ng Negros Occidental at Negros Oriental. Posibleng makaranas ng storm-force winds ang mga nasabing lugar.
Nasa ilalim naman ng Signal No. 2 ang ilang bahagi ng Masbate, Mindoro, Romblon, Palawan, Cebu, at Negros Island Region.
Bagama’t mas mahina, maaari pa ring magdulot ng panganib ang gale-force winds sa mga lugar na ito.
Signal No. 1 ang nakataas sa ilang bahagi ng Quezon, Marinduque, Mindoro, Romblon, Masbate, Palawan, Biliran, Leyte, Bohol, Siquijor, at Negros Oriental.
Bagama’t minimal ang banta, pinapayuhan pa rin ang mga residente na maging alerto sa posibleng epekto ng malalakas na hangin.
		
			
        













