-- Advertisements --

Nasa Sulu Sea na ang sentro ng Tropical Depression Verbena, matapos tawirin ang Guimaras at Southwestern Panay.

Batay sa lahat ng datos kabilang ang Iloilo Doppler Weather Radar, natukoy ang sentro ng bagyo sa baybayin ng Hamtic, Antique.

May maximum sustained winds itong 55 km/h, malapit sa sentro, may pagbugso hanggang 90 km/h.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong west northwestward sa bilis na 35 km/h.

Signal No. 1:

Luzon: Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Romblon, hilaga at gitnang bahagi ng Palawan (Araceli, Taytay, El Nido, Dumaran, Roxas, San Vicente, Puerto Princesa City), kabilang ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands, at mainland Masbate (Balud, Mandaon, Milagros, Cawayan, Placer, Pio V. Corpuz, Esperanza, Uson, Dimasalang, Masbate City, Mobo, Palanas, Aroroy, Cataingan, Baleno).

Visayas: Antique, Aklan, Capiz, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, at Cebu.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging handa sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng tuloy-tuloy na malakas na ulan. Patuloy na mag-monitor ng mga abiso mula sa PAGASA at lokal na pamahalaan.