-- Advertisements --

Patuloy na nananatili ang lakas ng Tropical Depression Wilma habang mabagal itong kumikilos pa-kanluran patungong Eastern Visayas.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Wilma sa layong 180 km silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

May taglay itong pinakamalakas na hanging umaabot sa 45 km/h malapit sa sentro at pagbugsong hanggang 55 km/h.

Kumikilos ito nang mabagal pa-kanluran.

Signal No. 1
Luzon:
Katimugang bahagi ng Sorsogon at mainland Masbate kabilang ang Ticao Island.

Visayas:
Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, Bohol, hilaga at gitnang bahagi ng Negros Occidental, Siquijor, hilaga at gitnang bahagi ng Negros Oriental, hilaga at gitnang bahagi ng Iloilo, silangan at gitnang bahagi ng Capiz, at Guimaras.

Mindanao:
Surigao del Norte kabilang ang Siargao at Bucas Grande Islands, Dinagat Islands, hilagang bahagi ng Surigao del Sur, hilagang bahagi ng Agusan del Norte, at Camiguin.