-- Advertisements --

Sumailalim muli sa isang malawakang balasahan ang Philippine National Police (PNP) matapos na maglabas ng bagong resolusyon ang National Police Commission (NAPOLCOM) na nagtatakda ng ilang opisyal ng organisasyon sa kanilang mga bagong pwesto.

Nakasaad sa resolustion no. 2025-0558, na nagkaroon ng ilang mga pagbabago sa magiging pwesto ng ilang opisyal.

Kung saan kumpirmado nang uupo sa kani-kanilang mga bagong posisyon ang mga opisyal sa loob ng Pambansang Pulisya.

Narito ang listahan ng bagong posisyon ng opisyal sa PNP:

  • PLTGEN. Bernard M. Banac – Acting Deputy Chief for Administration;
  • PMGEN. Robert Alexander A. Morico II – Acting Director, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG);
  • PMGEN. Anthony A. Aberin – Regional Director, National Capital Region Police Office (NCRPO);
  • PBGEN. Christopher N. Abrahano – Officer-in-Charge Commander, APC Visayas;
  • PBGEN. Paul Kenneth T. Lucas – Regional Director, Police Regional Office 4A (CALABARZON);
  • PBGEN. Jack L. Wanky – Deputy Regional Directo for Administration, NCRPO;
  • PBGEN. Romeo J. Macapaz – Personnel Holding and Accounting Unit;
  • PBGEN. Arnold P. Ardiente – Regional Director, Police Regional Office 12 (SOCCSKSARGEN);
  • PBGEN. William M. Segun – Personnel Holding and Accounting Unit;
  • PCOL. Hansel M. Marantan – Acting Director, Highway Patrol Group (HPG);
  • PCOL. Jonathan Abella – Acting Director, Explosives and Ordnance Disposal (EOD) K9 Group; and
  • PCOL. Arnold A. Rosero – Deputy Director for Administration, EOD K9 Group.

Samantala, nanindigan naman ang NAPOLCOM na ang mga pagbabagong ito ay bahagi pa rin ng pagpapakita ng NAPOLCOM ng kanilang karapatang kontrolin ang PNP na siyang naglalayon na mas palakasin at pagtibayin ang epektibong law enforcement sa bansa.