-- Advertisements --

Ibinunyag ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) na pinasok ng hacker ang national database nila na naglalaman ng mahigit 500,000 na pangalan na pinagbabawalang maglaro sa mga casino.

Sinabi PAGCOR chairman at CEO Alejandro Tengco, nadiskubre ito nitong hapon ng Setyembre 3.

Ang nasabing database ay nakakonekta sa lahat ng mga casinos na inooperate ng PAGCOR.

Laman ng database ang mga pangalan ng indibidwal na personal na humiling o hiniling ng mga kaanak ng mga ito na pagbawalan na pumasok dahil sa pagiging adik sa sugal.

Kasama rin dito ang ilang listahan ng top-level government officials.

Tinitignan nila ngayon na maaring nagmula ang pag-hack sa isa nilang mga lisensiyadong casino.