Nanindigan ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa hindi pagbibigay sa mahigit P200 million casino winnings ng government employees.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga elected local government official, government employees, at high-ranking officials.
Ayon kay PAGCOR chairman and CEO Alejandro Tengco, nadiskubre ng kaniyang opisina ang pagiging empleyado ng mga ito, bago pa man ibigay ang kanilang winnigs o napanalunan.
Dahil sa bawal pumasok at maglaro sa mga casino establishment ang mga empleyado at opisyal ng gobiyerno, nagdesisyon aniya ang Pagcor na hindi na ibigay ang kanilang napanalunan.
Ang naturang datus ay mula noong Enero hanggang July.
Nanindigigan si Tengco na kahit pa aapela ang mga ito, hindi rin ibibigay sa kanila ang napanalunan.
Aniya, ang P200-million voided winnings ay resulta ng ‘secondary screening’ na ipinapatupad ng mga Pagcor-operated casino sa buong bansa.
Ang screening process na ito ay isinasagawa kung mag-claim na ng premyo ang isang casino player.
Maalalang nalantad sa congressional hearing ukol sa maanomalyang flood control ang pagpasok nina dismissed Department of Public Works and Highways district engineer Henry Alcantara atbpang kasamahan, sa mga casino.
Ayon kay Tengco, sina Alcantara ay gumamit ng fake ID para makapasok sa casino, kalakip ng isang alias.
Iniimbestigahan na aniya ito ng Pagcor sa kasalukuyan.