Kinumpirma ng Department of Justice na opisyal at tuluyan ng nailipat sa kawagaran sa ilalim ng Witness Protection Program ang kustodiya kay former Department of Public Works and Highways Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara.
Ito’y kasunod nang pormal silang magsumite ng sulat kay Senate President Vicente Sotto III kaugnay sa paglilipat ng kustodiya sa dating opisyal.
Kung kaya’t nasa ‘protective custody’ na ng naturang program si Alcantara subalit ayon kay Justice Secretary Fredderick A. Vida kanilang hindi na ibabahagi kung saang tiyak na lokasyon ito dadalhin.
Isa si former Public Works Engr. Alcantara sa mga napili ng kagawaran maging ‘state witness’ sa nagpapatuloyn na imbestigasyon sa flood control.
Bukod kay Alcantara, testigo ng estado rin sina former Public Works Usec. Roberto Bernardo, Gerard Opulencia at kontratistang si Sally Santos.
Pagtitiyak naman ng Department of Justice na mananatiling bukas sakaling kailanganin humarap ni Alcantara sa tanggapan ng ibang ahensiya.
Ang layon aniya raw na paglilipat ang kustodiya at pagsasailalim sa program ay upang masegurong mabuo ang mga kasong isasampa laban sa mga sangkot na indibdiwal.
















