Hindi nagsasagawa ng “ala-tokhang way” na imbestigasyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tugon ito ni Palace Press Officer USec. Claire Castro sa naging banat ni Vice President Sara Duterte na kung seryoso talaga si Pangulong Marcos na resolbahin ang flood control anomalies kaya umanong matukoy sa loob ng isang araw ang mga sangkot sa katiwalian.
Ayon kay Castro, nirerespeto ng Pangulong Marcos ang due process.
Binigyang-linaw ng Palace Official na ang gagawing pag-iimbestiga ito ay para sa taumbayan at hindi para sa pamumulitika.
Ginagawa ito ng pangulo kahit tatamaan pa ang kaniyang administrasyon at ang kaniyang mga malalapit na kaibigan.
Pinasaringan din ni Castro na kahit ibinunyag na nuon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na talamak na rin ang ghost projects sa kaniyang administrasyon subalit wala naman itong nagawa para panagutin ang mga opisyal na sangkot sa mga maanomalyang proyekto.
Hindi na rin nakayanan ni Pangulong Marcos na bilyong bilyong halaga na pera ng taumbayan ay napunta lang sa wala dahilan nais nito na tuldukan ang katiwalian sa mga flood control project.