Kinokonsidera ng Pilipinas ang pag-angkat ng langis mula sa Russia bilang bahagi ng paghahanap ng mga bagong mapagkukunan ng fuel supply, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ang hakbang na ito ay bunsod ng layuning mapababa ang lokal na presyo ng langis at masiguro ang suplay, habang 98% ng krudo ng bansa ay kasalukuyang nagmumula sa Middle East, na apektado ng digmaan sa pagitan ng US, Israel at Iran.
Tinitingnan ng pamahalaan ang Russia bilang potensyal na supplier upang mapababa ang presyo ng petrolyo sa merkado.
Ayon naman kay Energy Secretary Sharon Garin, nakipag-ugnayan na ang pinapatakbo ng estado na Philippine National Oil Company (PNOC) sa Russian oil bagamat hindi pa natatalakay ang mga detalye sa posibleng dami o tagal ng suplay.
Sa ngayon, ayon sa kalihim, inaantay pa ang tugon ng Russia.
Liban dito, nakikipag-unayan na rin ang bansa sa iba pang exporters gaya ng Thailand, Japan at Singapore para matiyak ang sapat na suplay habang nananatiling pabago-bago ang presyo sa pandaigdigang merkao.
















