-- Advertisements --
Nakatakdang bumalik sa bansa si retired NBA star Derrick Rose ngayong buwan.
Sinabi nito na malaking bahagi sa puso niya ng mga Filipino fans dahil sa hilig nila sa basketball.
Unang dumalaw sa bansa si Rose noong 2011 kasama noon sina Kobe Bryant, Kevin Durant at Chris Paul kung saan nagsagawa pa sila ng exhibition game.
Matapos ang dalawan taon ay nagsagawa ito ng dalawang araw na 2013 Manila Tour.
Naglaro si Rose ng 15 taon sa NBA kung saan ilang sa mga koponan na sinalihan niya ay ang New York Knicks, Cleveland Cavaliers, Minnesota Timberwolves, Detroit Pistons at Memphis Grizzlies.
Ang kaniyang pagbisita ay isasagawa ilang buwan bago ang pagreretiro ng Chicago Bulls ng kaniyang jersey number 1 sa darating na Enero.