-- Advertisements --

Napirmahan na ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang unang batch ng Immigration lookout bulletin order (ILBO) laban sa mga contractors at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sangkot sa anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Justice Spokesperson Mico Clavano na ang mga inisyal na listahan ay base na rin sa hiling ni Senator Rodante Marcoleta mula sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ang susunod na batch ay maaring mapirmahan sa araw ng Huwesbes na ito naman ang listahan na hiniling ni DPWH Secretary Vince Dizon.

Una ng inanunsiyo ni Dizon na humiling ito ng pagpapalabas ng immigration lookout bulletin order laban sa mga personalidad na sangkot sa ‘ghost’ flood control projects.

Ilan sa 20 personalidad na nais ni Dizon na mailagay sa ilalim ng ILBO ay ang mag-asawang Discaya, Wawao Builders general manager Mark Allan Arevalo at iba pa.

Ang ILBO ay nag-aatas lamang sa mga immigrations officials na imonitor ng paggalaw ng mga nasa listahan sa kanilang paglabas at pagpasok sa bansa.

Hindi naman pipigilan ang mga nasa listahan ng ILBO na makalabas ng bansa.