Naghain ng Resolution of Both Houses No. 2 ang House Young Guns para itulak ang pag-amyenda sa 1987 constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention (Con-Con).
Ang nasabing panukala ay inakda nina Deputy Speakers Paolo Ortega, Jay Khonghun at Deputy Majority leaders Ernix Dionisio, Zia Alonto Adiong, Rodge Gutierrez at Eduardo Rama, Lordan Suan.
Layon ng panukala na ibaba ang age requirement mula 40 years old sa 35 years old para sa Presidente at Vice President habang para sa Senador mula 35 years old sa 30 years old.
Ayon sa mga may akda panahon na para amyendahan ang batas na nagtatakda sa edad ng isang indibidwal para manungkulan lalo na sa pagiging Presidente, Vice President at Senator.
Dagdag pa ng mga ito na 52 % sa populasyon ngayon ay nasa edad 30-anyos kung saan ipinapakita na kayang kaya na ng mga ito na mamuno.
Ayon sa mga Kongresista panahon na para marinig ang tinig ng mga bagong henerasyon.
Inihayag ni Deputy Speaker Paolo Ortega, dahil sa kasalukuyang batas, hinihintay ng ilang Pinoy na sumapit sa edad kwarenta bago mangarap na maglingkod sa bansa.
Ang sitwasyong ito anya ay nagiging dahilan kaya naiisanbi ang focus ng mga kabataan na makapaglingkod.
Ang pamununo anila ay hindi naman tungkol sa edad kundi sa kakayahan, malasakit at kagustuhan na magsilbi.
Con-con isinusulong para ibaba age requirement sa mga kakandidatong Presidente, Bise Presidente at senador