Itinakda ng piskalya sa halagag $1.25 million ang piyansa ng dating pulis ng Minneasota na siyang pangunahing responsable sa pagkasawi ng black American na si George Floyd.

Ayon sa piskalya, na ang “severity of the charges” at ang pagkakaroon ng malawakang kaguluhan ang dahilan ng pagtaas ng piyansa kay Derek Chauvin na nahaharap sa kasong second-degree murder at manslaugther habang ang tatlong kapulisan ay sinampahan ng kasong aiding at abetting murder.

Nauna rito humarap sa unang pagkakataon si Chauvin sa korte para sa pagdinig ng kaniyang kaso.

Si Chauvin rin ang siyang pangunahing suspek na lumuhod sa leeg ni Floyd habang inaaresto ito na sanhi ng kaniyang kamatayan.