UNITED KINGDOM – Hinahangaan ngayon ng mga Pinoy at maging ng ibang lahi ang kababayan nating nahalal bilang mayor sa East Grinstead, West Sussex na si Danilo Favor.

Si Favor kasi ay dating ophthalmic clinical nurse specialist sa Queen Victoria Hospital, bago naging councilor.

Kalaunan, naging deputy mayor siya ng nasabing lugar noong 2018.

Nabatid na nag-migrate si Favor sa UK noong taong 2000, kasama ang kaniyang asawa na isa ring nurse.

Nakatanggap pa siya ng community service award mula sa Mid-Sussex District Council, bago sumabak sa politika.

Bilang opisyal na nanggaling sa propesyong nangangalaga sa kalusugan, nais ng Pinoy mayor na isulong ang mas aktibong pagresponde sa mga nangangailangan ng tulong sa kanilang komunidad, lalo na sa oras ng gabi.