-- Advertisements --

Bukas ang Pilipinas sa pagpapababa sa Alert Level 3 na kasalukuyang nakataas sa Israel at Iran.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Foreign Affairs undersecretary Eduardo de Vega, nakahanda ang bansa na ibaba ang alerto sa dalawang nabanggit na bansa sa lalong madaling panahon kung magtatagal ang idineklarang ceasfire.

Gayonpaman, kailangan aniya ng opisyal o formal recommendation ng Philippine Ambassador na nakatalaga sa dalawang bansa para tuluyang ikonsidera ang pagpapababa sa alerto.

Sa ilalim ng ikatlong alerto, magpapatupad ang pamahalaan ng Pilipinas ng voluntary repatriation para sa mga Pilipinong nasa bansa kung saan itinaas ang alerto.

Sa ngayon, siniguro ni De Vega na magpapatuloy pa rin ang Alert Level 3 protocol na sinusunod ng Pilipinas sa dalawang nabanggit na bansa.

Kabilang dito ang repatriation sa mga nagnanais nang umuwi sa bansa, at ang paghahanda ng sapat na tulong para sa bawat uuwing Pinoy.

Una na ring sinabi ni Philippine Ambassador to Israel Aileen Mendiola na mula sa 340 Pinoy na unang humiling na makabalik sa Pilipinas noong kasagsagan ng tinaguriang 12-day war ay tuluyan nang bumaba kasunod ng tuluyang pagpapakansela ng mga Pinoy sa kanilang request, bunsod ng inaprubahang ceasefire. (REPORT BY BOMBO JAI)