-- Advertisements --
Plano ng Department of Transportation (DOTr) na isailalim na sa public-private partnership (PPP) ang Light Rail Transit 2 o LRT-2.
Ang nasabing anunsiyo ay isang araw matapos na makaranas ng aberya ang LRT-2 ng mahigit limang oras.
Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon, na ang PPP ay siyang maituturing na pang-matagalang solusyon dahil luma na ang railway systems at maging ang mga riles ay hindi na updated.
Dagdag pa ng kalihim na maaring sa susunod na taon ay maisapribado na ito dahil sa tinutulungan na sila ng World Bank.
Ganun din aniya ang nakatakda nilang plano para sa Metro Rail Transit 3 o MRT-3.