-- Advertisements --

Opisyal nang tinuldukan ng US Agency for International Development (USAID) ang kanilang mga operasyon nitong Martes, Hulyo 2,oras sa Amerika.

Ito ay makalipas ang limang dekada mula nang maitatag ito noong 1961.

Kabilang sa tuluyan ng binuwag mula sa functions ng USAID ay ang mga hindi akma sa foreign policy agenda ng Trump administration, bagamat ilan sa mga tungkulin nito ay isinama na sa US State Department.

Umani naman ng batikos ang naturang hakbang ng administrasyon ni Trump mula sa dating mga Pangulo ng Amerika gaya nina dating US President Barack Obama at George W. Bush.

Kung saan tinawag ni Obama ang shutdown ng US aid agency bilang isang “colossal mistake” o malaking pagkakamali at nagbabala sa pangmatagalang consequences nito sa pandaigdigang pag-unlad at diplomasiya.

Habang binanggit naman ni Bush ang mga uncertainty na bumabalot sa Emergency Plan for AIDS Relief ni Trump, isang USAID-linked initiative, bilang isang halimbawa aniya ng posibleng nakakapinsalang epekto sa US foreign aid.