-- Advertisements --

Nakabalik na ng Pilipinas ang anim na repatriated overseas Filipino workers mula sa bansang Iran.

Ang naturang bilang ng mga Pilipinong manggagawa ay naapekuhan ng kaguluhan sa Middle East partikular ng giyera sa pagitan ng Israel at Iran.

Ayon sa Department of Migrant Worker, lima sa mga ito ay nagtatrabaho bilang shrimp hatchery technicians sa Iran habang ang isa ay domestic worker mula sa Dubai.

Nanguna si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne Caunan sa pagsalubong sa mga ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Kasama ni Caunan na sumalubong si Department of Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega at DMW Assistant Secretary Venecio Legaspi.

Sa kanilang pagdating ay binigyan sila ng financial assistance ng DMW, OWWA, at DSWD.

Ang hakbang na ito ng ahensya ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin na lahat ng mga OFW sa Middle East ay ligtas na makakabalik ng Pilipinas.