-- Advertisements --

Desidido ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang na sampahan ng kaso ang whistleblowers na idinawit siya sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon sa kampo nito na kanilang ihahain ngayong araw Office of the Mandaluyong City Prosecutor Arthur Magpantay ang kaso laban kina Julie “Dondon” Patidongan at Alan Bantiles, alias “Brown”.

Mahaharap ang mga ito sa mga kasong attempted robbery with violence and intimidation, grave threat, grave coercion, incriminating against innocent persons at slander.

Gumawa umano ang dalawa ng mga kuwento para sirain ang pagkatao ng negosyante.

Nanawagan din sila sa publiko na huwag ikalat ang maling impormasyon ng walang anumang ebidensiya.

Magugunitang ibinunyag ng isang alyas “Totoy”, isa sa mga anim na guwardya sa Manila Arena at ngayon ay naging state witness na patay na ang mga sabungero kung saan sila ay tinalian bago itapon umano sa Taal Lake.