Nagpapagaling na mula sa brain surgery ang Filipino boxer na si Renerio Arizala matapos ang laban nito sa Japan.

Sinabi ng kaniyang coach na si Jonatahn Penalosa, matapos na ito ay mapatumba ng Japanese boxer na si Tsuyoshi Tameda sa ikaanim na round ay bigla na lamang itong nawalan ng malay.

Renerio Arizala with coach Freddie Roach/ FB post

Kinailagan na ito ay operahan para maiwasan ang pamumuo ng dugo sa utak nito.

Ayon naman sa Games and Amusement Board (GAB) na naging mahigpit pag-alaga sa nasabing boksingero at kanila pa itong inoobserbahan.

Tiniyak ng GAB na kanilang babantayan ang kalagayan ni Arizala.