Sasailalim muna sa quarantine si Filipino boxer Mike Plania sa pag-uwi nito sa bansa sa araw ng Biyernes.

Ito ay para ipagdiwang ang kaniyang panalo laban kay Joshua Greer Jr sa Las Vegas.

Ayon sa kaniyang promoter na si Sanman Boxing CEO Jim Claude Manangquil , na sasailalim muna ito sa mga pagsusuri bago magtungo sa bayan nito sa General Santos.

Bukod sa pagdiriwang ng kaniyang panalo ay kanilang ipaplano na ang susunod na laban nito.

Inamin naman ni “Magic Mike” Plania na magiging mahirap ito sa kaniya subalit kailangan niyang gawin ito para na rin sa kaligtasan ng karamihan.

Magugunitang nakuha ni Plani aang majority decision win laban sa American boxer kung saan dalawang beses pa pinabagsak ni Plania ito.

Mayroon na silang 24 panalo at 1 talo ang record na ngayon ni Plania.