-- Advertisements --
Puimirma si Shai Gilgeous-Alexander ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $285 million, na siyang pinakamataas na average na sahod ng player kada taon sa kasaysayan ng NBA.
Pinangunahan niya ang Oklahoma City Thunder sa kanilang unang NBA championship noong nakaraang buwan at tinanghal din na MVP ng regular season at NBA Finals.
Ang kontrata ay magtatagal ng hanggang 2031, na may taunang sahod na may karagdagang sahod mula $62.5 million hanggang $78.7 million.
Samantala, binitawan na ng Milwaukee Bucks si Damian Lillard dahil sa injury at pinalit si Myles Turner mula sa Indiana na may apat na taong kontrata.
Gayundin ang Denver Nuggets na kinuha si Jonas Valanciunas mula sa Sacramento Kings kapalit si Dario Saric.