Nesthy Petecio
Nesthy Petecio/ AiBa Boxing

Nakuha ni Filipina boxer Nesthy Petecio ang kampeonato sa 2019 AIBA Women’s World Boxing Champion na ginanap sa FSK Sports Complex sa Ulan-Ude Russia.

Tinalo kasi nito ang pambato ng Russia na si Liudmila Vorontsova sa pamamagitan ng split decision.

Nakapasok sa finals ang 27-anyos na tubong South Digos, Davao Del Sur ng talunin si Karris Artingstall ng England sa semifinals.

Magugunitang noong 2012 ay nakuha rin ng Filipina boxer Josie Gabuco ang parehas din na titulo.