-- Advertisements --
Pinawi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pangamba ng publiko ukol sa mga isda na nakukuha sa Taal Lake matapos ang paglabas ng balita na doon itinapon ang mga nawawalang mga sabungero.
Ayon kay BFAR Spokesperson Nazario Briguera , na ligtas na kainin ang mga isda gaya ng tawilis at iba pa.
Giit nito na hindi carnivorous ang mga tawilis at ang kinakain ng mga ito ay mga planktons at ilang mga micro-algae.
Paglilinaw din nito na ang mga bangus at tilapia na mula sa Taal Lake ay inaalagan sa pamamagitan ng fish cage kung saan ang mga kinakain ng mga ito ay mga commercial feeds.
Nangunguna kasi ang Taal Lake na nagsusuply ng tilapia at bangus sa Metro Manila at sa CALABARZON region.