-- Advertisements --

Inanunsyo ng Manila International Film Festival na mapapabilang si Lea Salonga sa Hollywood Walk of Fame Class of 2026, bilang pagkilala sa kanyang ambag sa teatro, pelikula, at musika sa buong mundo.

Maagugunitang si Lea ay isang Tony Award-winning performer na kilala sa kanyang pagganap sa Miss Saigon at naging boses ng ilang sikat na Disney princess tulad ni Jasmine at Mulan.

Isa rin siya sa mga nanguna sa pagtataguyod ng representasyon ng mga Asyado sa Western entertainment.

Ayon kay Salonga, “This honor is not just for me. It’s for every artist who dared to believe they belong.”

Samantala makakasama ni Lea sa hanay ng mga celebrity na may dugong Pilipino sina Apl.de.ap (Black Eyed Peas, 2021/2022 honoree), komedyanteng si Rob Schneider (2011), at singer na si Bruno Mars (2016).

Nabatid na ang mga honoree para sa Walk of Fame ngayong taon ay pinili mula sa daan-daang nominasyon na sinimulan noong Hunyo 20 at inaprubahan ng board ng Hollywood Chamber of Commerce noong Hunyo 25.

Para kay Peter Roth, chairman ng Walk of Fame selection committee, “These talented individuals have made significant contributions to the world of entertainment, and we are thrilled to honor them with this well-deserved recognition.”