-- Advertisements --
Kinumpirma ni Filipino international singer-actress Lea Salonga na hiwalay na sila ng asawang American businessman na si Robert Chien.
Hindi na nagbigay pa ng detalye ang singer noong nabanggit niya na may ibang kinakasama ang asawa sa presser ng Les Miserables: World Tour Spectacular .
May anak sila na isang trans actor na si Nic kung saan parehas ang kanilang pagbibigay ng suporta dito.
Noong Enero 10, 2007 ng ikasal si Lea at Robert sa Cathedral of Our Lady of Angels sa Los Angeles, California.
















