-- Advertisements --

Napiling kumanta ng national anthem ng US si Tony-award winning singer/ actress Lea Salonga.

Sa social media account ng New York Yankees, ay ibinahagi nila ang video ng pagkanta ni Lea ng “Star-Spangled Banner” sa Yankee Stadium.

Isinagawa ang pagkanta nito sa laban ng Yankees at Los Angeles Angels nitong Lunes ng gabi.

Labis na hinangaan ng mga Yankees fans ang pagkanta ng Miss Saigon at Les Miserables star.

Si Lea ay US green card holider na nakumpirma noon pang 2021.