Pasok na sa pangalawang puwesto ng quarterfinals ang Phoenix Super LPG matapos malusutan ang Rain or Shine Elastopainters 90-88 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Dahil dito ay mayroon ng walong panalo at tatlong talo ang record ng Phoenix.

Habang ang Elasto Painters ay nasa pang-walong puwesto na makakaharap ang Barangay Ginebra sa susunod na round.

Bumida sa panalo ng Phoenix si Jason Perkins na nagtala ng 30 points habang mayroong 21 points si Justin Chua at 11 points si Matthew Wright.

Inamin ni Phoenix coach Topex Robinson na isang malaking hamon para sa koponan ang pagpasok nila sa susunod na round.

Naniniwala pa rin ito na magtatagumpay sila dahil sa galing ng mga kaniyang mga koponan.