-- Advertisements --

Maaaring mabuo ang nasa dalawa hanggang tatlong bagyo ngayong buwan ng Hulyo, ayon sa state weather bureau.

Batay kay weather speacialist Obed Badrina, karaniwang nakakapagtala ng isa bilang pinakamataas na bilang ang nabubuong bagyo sa buwan ng Hulyo kada taon.

Habang nasa average naman na tatlong bagyo ang nabubuo o pumapasok sa bansa kapag Hulyo.

Aniya, ang mga bagyo sa Hulyo ay karaniwang tinatahak ang parte ng Luzon o mag-recurve papalayo sa may hilgang-silangang bahagi ng bansa.

Samantala, masusing binabantayan ang low pressure area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na maaaring sumunod sa parehong tinatahak ng karaniwang tropical cyclones.

Base sa inisyung 24-hour tropical cyclone formation outlook kaninang alas-2:00 ng hapon, namataan ang LPA sa layong 350 km ng silangan ng Casiguran, Aurora. Ayon sa weather bureau, mayroong katamtamang tiyansa na mabuo ito bilang tropical depression sa sunod na 24 oras.

Isa pang LPA ang namonitor sa labas ng PAR at may mataas na posibilidad na mabuo bilang bagyo sa loob ng sunod na 24 oras.