Lumakas na bilang isang tropical storm ang dating tropical depression Ada.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 400 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay nito ang maximum sustained winds na 65 km/h malapit sa sentro, pagbugso hanggang 80 km/h.
Kumikilos ito sa direksyong northwestward sa bilis na 15 km/h.
Umaabot hanggang 400 kilometro mula sa sentro ang lakas ng hangin ng bagyo, na may dalang malalakas hanggang gale-force winds.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa ilang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
Luzon: Silangang bahagi ng Camarines Sur, Sorsogon, silangang bahagi ng Albay (kasama ang Legazpi City at Tabaco City), at Catanduanes.
Visayas: Northern Samar, Samar, Eastern Samar, silangang bahagi ng Biliran, silangang bahagi ng Leyte (kasama ang Tacloban City), at silangang bahagi ng Southern Leyte.
Mindanao: Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur.
















