-- Advertisements --

Sinimulan na ngayong araw ng House Committee on Justice sa pangunguna ninAtty. Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro ang pagdinig upang simulan ang pagsusuri sa apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Luistro, obligasyon ng komite sa ilalim ng Konstitusyon na dinggin at pagbotohan ang mga reklamo at magsumite ng ulat sa Kamara. 

Nilinaw din niya na hindi pa tinatalakay ang merito o ebidensiya ng mga kaso, kundi ang “sufficiency in form” o kung sumusunod ang mga reklamo sa pormal na rekisito ng Konstitusyon at ng mga patakaran ng Kamara. Kabilang dito ang wastong beripikasyon at pag-endorso.

Itinanggi rin ni Luistro ang pahayag na napagpasyahan na ng Korte Suprema ang mga alegasyon. 

Aniya, ang naging ruling ng Korte ay nakatuon lamang sa one-year bar rule at hindi paghatol sa nilalaman ng mga reklamo.

Apat na magkakahiwalay na impeachment complaint ang nakabinbin, na may iba’t ibang bilang ng mga complainant, pahina, at artikulo ng impeachment, at inendorso ng iba’t ibang mambabatas.

Binigyang-diin ni Luistro na dadaan sa masusing, patas, at transparent na proseso ang bawat reklamo. “Walang shortcut. Walang paunang paghuhusga. Tanging katapatan lamang sa Saligang Batas,” aniya.