-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit 2,000 ektarya ng tubuhan sa Visayas ang apektado ng pamemeste ng red-striped soft scale insect.

Batay sa datos ng Sugar Regulatory Administration, aabot na sa kabuuang 2,027.79 ektarya ng taniman ng tubo ang apektado ng naturang peste.

Ang bilang na ito ay katumbas ng nasa 1,097 na magsasaka na apektado.

Ayon sa ahensya, aabot lamang sa kabuuang 228.16 ektarya ng tubuhan ang nakarekober ng bahagya mula sa epekto ng peste.

Tinukoy ng ahensya ang mga lugar na apektado kabilang na dito Bago City, Murcia, EB Magalona, Silay City, Victorias City, at Manapla sa Negros Occidental; Mabinay sa Negros Oriental; at bahagi ng Sigma sa Capiz.

Kaugnay nito ay ipinag-utos na rin ni SRA Administrator Pablo Luis Azcona sa La Granja Agricultural Research and Extension Center ang pagsasagawa ng pag-aaral sa epekto ng RSSI sa mga pananim na tubo.

Pinapa tukoy rin ng ahensya ang epekto ng naturang peste sa sugar content ng mga recovered na tubo mula sa epekto ng peste.