-- Advertisements --

Hihinikayat ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang mga sugar industry players, lalo na mga traders at mamimili na bumili dapat ng mga lokal na mga asukal.

Ayon sa SRA na kahit mataas ang presyo ng mga ito ay mayroong katiyakan naman na papalitan ito ng export allocation sa pagdating ng panahon.

Isinusulong kasi ng SRA ang voluntary purchase program para tumaas ang presyo ng mga lokal na asukal.

Sa mga nagdaang buwan ay bumagsak kasi ng 10 porsyento ang presyo nito.

Ang presyo kasi ng raw sugar noong Nobyembre ay bumagsak ng halos P300 mula sa P2,000 kada 50-kilong bag ng asukal.