Naglaan na ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit P384 million halaga ng tulong para sa mga mangingisda at magsasakang naapektuhan sa pananalsa ng super typhoon Uwan.
Ang naturang tulong ay kinabibilangan ng farm inputs na tinatayang nagkakahalaga ng halos P380 million na halaga ng inputs para sa rice, corn and high-value crops industry.
Naghanda rin ang DA ng P1.24 million na halaga ng animal feeds at supplement para sa livestock at poultry industry.
Ang nalalabi ay para sa mga libreng fingerlings na ipamimigay sa mga mangingisda.
Siniguro rin ng ahensiya ang sapat na supply ng bigas sa buong bansa para sa mga apktado ng malakas na bagyo.
Ayon sa National Food Authority, 2.57 million bags ng bigas ang nakahanda para sa distribusyon sa mga lokal na pamahalaan atbpang relief agencies.
















